MAAARI MO NA ITONG ALAMIN SA PAMAMAGITAN NG SMS!

I-type lang ang KWD<space>BAL<space>Account Number,

Halimbawa: KWD BAL 012-345-678, at ipadala sa 0939-927-7529

Kaya i-rehistro na ang iyong mobile phone number sa KWD upang:

  • Makatanggap ng electronic copy ng water bill;
  • Mapaalalahanan ng due date o tamang araw ng pagbabayad;
  • Makatanggap ng pagkilala ng binayarang water bill pagkaraan ng dalawa o tatlong araw;
  • Makatanggap ng abiso tuwing may nakatakdang disconnection o pagpuputol ng linya;
  • Mabigyan ng paunang abiso o babala kung may nakatakdang water interruption;
  • Maging updated tungkol sa mga ginagawang pagpapabuti ng serbisyo ng tubig; at maaari mo na ring iparating sa KWD ang iyong hinaing o anumang katanungan, komento, at suhestiyon upang lalo pang mapabuti ang kalidad ng serbisyong may kaugnayan sa paghahatid ng inuming-tubig.

Paano ba ang mag-rehistro? Narito ang pinadaling paraan upang mag-rehistro:

1. Humingi ng Customer Mobile Number and Email Address Registration form mula sa Customer Care desk sa tanggapan ng KWD. Mada-download din ang nasabing form sa KWD website kabacan-water.gov.ph.

2. Sagutan ang form at ibigay/isumite ito sa Customer Care desk ng KWD.

Pagkatapos ng matagumpay na pagrerehistro ng mobile phone number at e-mail address ay may matatanggap na SMS o text message sa rehistradong numero. Para sa mga katanungan at karagdagang paglilinaw, makipag-ugnayan lang sa tanggapan ng KWD gamit ang mga contact details sa ibaba.

Facebook: kabacan/water

E-mail address: info@kabacan-water.gov.ph

Hotline Number: 0908-884-3384