MAAARI MO NA ITONG ALAMIN SA PAMAMAGITAN NG SMS!
I-type lang ang KWD<space>BAL<space>Account Number,
Halimbawa: KWD BAL 012-345-678, at ipadala sa 0939-927-7529
Kaya i-rehistro na ang iyong mobile phone number sa KWD upang:
- Makatanggap ng electronic copy ng water bill;
- Mapaalalahanan ng due date o tamang araw ng pagbabayad;
- Makatanggap ng pagkilala ng binayarang water bill pagkaraan ng dalawa o tatlong araw;
- Makatanggap ng abiso tuwing may nakatakdang disconnection o pagpuputol ng linya;
- Mabigyan ng paunang abiso o babala kung may nakatakdang water interruption;
- Maging updated tungkol sa mga ginagawang pagpapabuti ng serbisyo ng tubig; at maaari mo na ring iparating sa KWD ang iyong hinaing o anumang katanungan, komento, at suhestiyon upang lalo pang mapabuti ang kalidad ng serbisyong may kaugnayan sa paghahatid ng inuming-tubig.
Paano ba ang mag-rehistro? Narito ang pinadaling paraan upang mag-rehistro:
1. Humingi ng Customer Mobile Number and Email Address Registration form mula sa Customer Care desk sa tanggapan ng KWD. Mada-download din ang nasabing form sa KWD website kabacan-water.gov.ph.
2. Sagutan ang form at ibigay/isumite ito sa Customer Care desk ng KWD.
Pagkatapos ng matagumpay na pagrerehistro ng mobile phone number at e-mail address ay may matatanggap na SMS o text message sa rehistradong numero. Para sa mga katanungan at karagdagang paglilinaw, makipag-ugnayan lang sa tanggapan ng KWD gamit ang mga contact details sa ibaba.
Facebook: kabacan/water
E-mail address: info@kabacan-water.gov.ph
Hotline Number: 0908-884-3384